Sulatin Blg. 5 - Kung Hindi Ukol, Hingi Bubukol

Your Image

Kailan mo masasabi na ang isang bagay ay talagang para sa’yo? Sa kalawakan ng mga pangarap, sa dami ng mga mithiin at pagnanasa, paano natin malalaman kung alin ang tunay na ukol at hindi lamang bunga ng ating kapusukan? Sabi ng kasabihan, “Kung hindi ukol, hindi bubukol,” ngunit sa likod ng simpleng salitang ito, naroon ang malalim na aral ng pagtanggap, pagsisikap, at pananampalataya.

Ang bawat tao ay tila isang magsasaka. Hindi lahat ng binhing itinanim ay tutubo, sapagkat hindi lahat ng lupa ay handa. Ngunit ibig bang sabihin nito’y dapat kang huminto sa pagtatanim? Hindi. Sapagkat ang “ukol” ay hindi lamang dumarating ng kusa, ito ay pinaghahandaan, pinagtatrabahuhan, at pinagsisikapan, ngunit paano kung sa kabila ng iyong pagpupunyagi, hindi pa rin “bumukol”? Ito ang pinakamahirap tanggapin, ang katotohanang hindi lahat ng bagay ay para sa atin, ngunit dito rin matatagpuan ang ganda ng buhay. Sa bawat pagsubok, sa bawat pagkabigo, binibigyan tayo ng pagkakataon na magtanong, "Ito ba talaga ang dapat kong habulin, o may mas angkop na daan para sa akin?". Ang “hindi ukol” ay hindi nangangahulugang pagkatalo. Sa halip, ito’y paanyaya na tumingin sa ibang direksyon, magbukas ng bagong pintuan, at maghanap ng mas angkop na layunin. Ang bawat pagkabigo ay may dalang lihim na mensahe, marahil ang iyong nais ay hindi nawawala, kundi nasa ibang anyo na mas tama, mas nararapat, mas naaayon sa panahon.

Ang kasabihan ay nagsasaad na kung saan may mga bagay na hindi nagtatakdang mangyari sa atin. Kaya’t sa susunod na humarap ka sa salamin at huwag matakot na tanungin ang sarili, "Ako ba’y handang tanggapin ang hindi para sa akin, upang matuklasan ang tunay na para sa akin?" Sapagkat sa dulo ng lahat ng paghahanap, ang ukol ay kusang bubukol, at ang para sa’yo ay hindi kailanman mapupunta sa iba.




0 Comments

DINO GAME