Sulatin Blg. 6 - Nasa Diyos Ang Awa, Nasa Tao Ang Gawa
Kung ikaw ay isang pintor, anong larawan ang ipapakita mo sa harap ng Maykapal? Sa bawat araw na dumarating, ang ating buhay ay tila isang blangkong kambas na unti-unting pinupuno ng ating mga kilos at desisyon. Ang Diyos, sa kanyang habag at awa, ay nagbibigay ng mga kulay at liwanag, ngunit nasa ating mga kamay ang pagpili kung paano ito gagamitin upang lumikha ng isang obra. Ang kasabihang “Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa” ay hindi lamang isang paalala kundi isang hamon, isang hamon na tuklasin ang ating kalakasan, at kahusayan. Ang awa ng Diyos ay parang hanging sumusuporta sa ating layag, ngunit tayo ang kailangang magmaneho sa dagat ng buhay. Paano makararating sa pampang kung ang isang bangka ay lulutang lamang at walang magpapagalaw? Hindi sapat ang magdasal at maghintay kailangang tayo ay kumikilos, at nagpupunyagi. Sa mga mata ng Diyos, ang pinakamagandang panalangin ay ang mga hakbang na ating ginagawa kahit mahirap, kahit natatakot, kahit hi...